(May 29, 2013)
Kasama sa listahan ng mga naiproklama ng Commission on Elections ang ANGKLA Party-List para sa mga Kinatawan ng mga Sector para sa gobiyerno! Ngayon ay sigurado nang maririnig ang boses ng Pilipinong Marino! Pasok na ang ANGKLA Partylist!
Nagpapasalamat ang lahat na bumubuo ng ANGKLA Party-List sa sambayanang Pilipino, lalung lalo na sa mga Seafarers at kanilang mga pamilya, kamag-anak, kaibigan, at mga mahal sa buhay. Dahil sa inyo, makakapag-latag na tayo ng mga bagong batas na sana ay makatulong sa pagpapagaang ng buhay marino. Dahil din sa boto ninyo, nakapaglagay tayo ng kinatawan na sisiguraduhing mapakikinggan at matutugunan ang mga hiling ng ating mga kababayang marino. Dahil sa naipagkaloob na upuan sa ika-16 na Kongres, mabibigyang-pansin na natin ang mga matagal nang isyu sa larangan ng pagmamarino. Magkakaroon na rin tayo ng mga mata sa gobiyerno kung saan masisiyasat ang mga batas na ginagawa– kung makakabuti ba ito sa industriya natin at kung magkakaroon ba ng magandang pagbabago mula sa mga ito.
Simula pa lang ng bagong yugto ng ating paglalayag. Ngunit ang pangitain ng bagong umaga ay maganda. Samahan ninyo kami, Ka-ANGKLA, sa paglalakbay patungo sa kinabukasang maganda para sa Pilipinong Marino. Ngayon, may boses na tayo!
Mabuhay ang ANGKLA!
Mabuhay ang Pilipinong Marino!