(June 15, 2013)
Mga ka-ANGKLA,
Ngayong may pwesto na tayo sa Kongreso, samahan nyo naman kaming maglakbay patungo sa mas mapanubok na landas. Alam naman po nating lahat na ang pagawa ng mga batas na tutugon sa ating mga pangangailangan at magtataguyod ng ating mga interes bilang isang sektor ay hindi magiging madali. Bagama’t nakahanda kami sa anumang pagsubok, inaasahan ng ANGKLA Party-List na marami tayong mga unos at alon na dapat lampasan upang matamo ang ating mga adhikain.
Mahirap man ang daan na aming tatahakin, malakas parin ang aming loob dahil alam namin na kasama namin kayo sa paglalayag na ito!
Sa pagtutulungan nating lahat para sa ikabubuti ng ating industriya, ang tagumpay ay laging abot kamay. Kagaya ng tagumpay natin nitong nakaraang halalan, walang imposible basta’t sama-sama at nagkakaisa!
Kaya inaanyayahan namin kayo mga ka-ANGKLA, ngayon na ang panahon para kayo ay magsalita! Ipaalam nyo sa amin ang inyong mga saloobin. Dahil ang boses nyo ay maririnig na sa Kongreso! ANGKLA, ang tinig ng marino sa gobyerno!
Mabuhay ang Pilipinong Marino! ANGKLA, atin ito!