ANGKLA Nakisaya Sa Kanilang Mga Iskolars Sa Midway Maritime Foundation

_DSC8970

LUNGSOD NG CABANATUAN— Sinalubong ang ANGKLA Party-list ng humigit kumulang isang daang estudyante ng Maritime Midway Foundation (MMF), kabilang ang pitumpu’t dalawang scholars nito, sa isang pagtitipon na ginanap sa nasabing paaralan kaninang umaga.

Ang ANGKLA ay kinakatawan sa Kongreso ni Cong. Jesulito A. Manalo.

Nakilahok rin sa mga nakahandang aktibidad ang iba pang mga mag-aaral at opisyales ng MMF sa pangunguna ni CEO Sabino Czar Cloma Manglicmot II. Bilang bahagi ng pagtitipon, nagkaroon ng munting programa at palaro ang ANGKLA para sa mga estudyanteng dumalo. Nagsilbing emcee ng programa si scholarship coordinator Jemmuel Roque. Nagkaloob din ng libreng gupit ang ANGKLA sa ilang estudyanteng marino.

Mithi ng ANGKLA na lalong pagtibayin ang pakikipag-ugnayan nito sa kanilang mga iskolar, bilang patunay ng kanilang suporta, at upang patuloy na mabatid ang kanilang iba pang mga pangangailangan ukol sa kanilang pag-aaral. Higit na matutugunan ng ANGKLA ang mga suliranin na kinakaharap ng mga maritime students kung sila ay direktang nakakausap nito.

11992057_10203150120274289_1882714258_n

Bilang natatanging boses ng maritime sector sa Kongreso, binigyang diin ni Cong. Manalo na bukod sa pagpapaunlad ng industriyang maritima, isa rin sa mga pangunahing adhikain ng kanilang party list ay ang pagpapaigting ng kalidad ng maritime education.  Nais ng ANGKLA na lalo pang lumago ang bilang ng mga mahuhusay na marinong Pilipinong kayang makipagsabayan sa anumang lahi sa kanilang pagtatrabaho at paglalayag sa barko sa kahit saang bansa sa mundo.

 

ANGKLA PARTY-LIST
Rm. 613 North Wing Bldg.
House of Representatives
Batasan Complex, Quezon City
angklasec@gmail.com
www.ANGKLApartylist.org
www.facebook.com/ANGKLAph

Comments are closed.