Announcements

Magpadala ng inyong mga pictures at kuwento sa ANGKLA!

Ka-Angklang marino, batid namin ang saya at hirap na kaakibat ng inyong paglalayag sa karagatan upang masiguro na maihahatid sa iba’t ibang sulok ng mundo ang ating mga pang-araw-araw na pangailangan. Bilang pagkilala sa inyong kadakilaan at kasipagan, inaanyayahan namin kayo na magbahagi sa ating Facebook page ng inyong mga pictures at karanasan upang magsilbing inspirasyon sa ating lahat.

Maaari ninyong ipadala ang inyong mga retrato at/o kuwento sa angklasec@gmail.com o sa mismong Facebook page natin gamit ang Facebook messenger. Karangalan naming ibahagi ang inyong mga retratong makapaghahatid saya at inspirasyon sa lahat ng ating mga Ka-Angkla!


Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon, mga Ka-Angkla!

Sa pagsalubong natin sa kapanganakan ni Hesus at sa pagdiriwang natin ng panahon ng pagbibigayan, nawa’y huwag natin malimutang pasalamatan ang lahat ng mga marino gayundin ang kanilang mga pamilya sa kanilang sakripisyo para sa ating lahat.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!


ANGKLA Party-List sa Cabanatuan!

Magkita-kita tayo mamaya, mga iskolar ng ANGKLA Party-List, sa Midway Maritime Foundation, Cabanatuan City, Nueva Ecija!


May TWITTER na ang ANGKLA Party-List!

May TWITTER na ang ANGKLA Party-List! I-follow lang ang @AngklaPartylist sa Twitter upang sundan ang lahat ng ginagawa ni Angkla Congressman Jess Manalo para sa marino at para sa bayan.

Click here to follow us on Twitter.


Leave a Reply

Your email address will not be published.

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>