Annual Membership Meeting ng ANGKLA Party-List, Idinaos

Ang pagkakaroon ng representasyon ng mga Pilipinong Marino sa Kongreso ay pagkakaroon din ng matatag na ANGKLA ng industriyang maritimo at ekonomiyang Pilipino. Sa kadahilanang ito, sa ginanap na Annual Membership Meeting ng ANGKLA Party-List noong 25 Hulyo 2014 sa The City Club, Makati, kinilala at pinasalamatan ni ANGKLA Party-List Rep. Jess Manalo ang lahat ng mga kasapi ng ANGKLA Party-List na tumulong at nakiisa sa pagkamit ng hangaring madala sa Kongreso ang boses ng bawat marino at pamilya nito. Kanyang ipinabatid na sa sama-samang pagkilos ng sektor, higit na maitataguyod ng ANGKLA Party-List ang pagpapaunlad ng industriyang maritimo at patuloy na maririnig ng pamahalaan ang boses ng mga Pilipinong Marino.

Comments are closed.