ANGKLA Party-List, Dumalo sa SONAME Technical Symposium 2014

DSC_7206

Higit na nakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng boses ng industriyang maritimo sa Kongreso sa idinaos na SONAME Technical Symposium noong 24 Oktubre 2014 sa Bayleaf Hotel, Manila. Sa naturang symposium, ipinahayag ng ANGKLA Party-List, sa panguguna ni Cong. Jess Manalo, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng sektor sa pamahalaan upang matukoy ang mga naaakmang solusyon sa mga pangkasulukyang hamon sa ating industriya. Sa pamamagitan nito, ating mapapanatili ang pagiging “seafarer of choice” ng mga Pilipinong Marino sa buong mundo.

Comments are closed.