ANGKLA, Natugunan Ang Isyu ng Mga Marino sa Certification at Daily Journal sa MARINA

image (2)
LUNGSOD NG MAYNILA— “Wala nang retake ng exam para makapag-revalidate ng kanilang certification ang mga marino na hindi naaktuhan ang kanilang lisensya sa loob ng huling limang taon.” Ito ang sinaad ni Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Maximo Mejia sa isang pulong kasama ang ANGKLA party-list, na pinangunahan ni Cong. Jesulito A. Manalo, kaninang umaga. Dumalo rin ang ilang pinuno ng maritime organizations sa pagtitipon.

Para mapagbigay alam sa mga marino ang bagong alituntunin sa nasabing isyu, maglalabas ng Advisory ang Marina. Bibigyang linaw sa Advisory na sa halip ng pagkuhang muli ng pagsusulit, dadaan na lang sa isang refresher course ang mga marino na sisiguruhin ng Administration na tugma sa pamantayan ng Standards of Certification, Training, and Watch-keeping (STCW).

Ang pagpupulong ay ginanap matapos sinumite ng ANGKLA ang House Resolution 2457 na naghihimok ng imbestigasyon upang siyasatin ang ilang mga Circulars at Advisory ng Marina at ng implementasyon nito sa paraang makakagaan sa mga marinong Pinoy. Matapos ang malawakang konsultasyon sa mga iba’t ibang miyembro ng maritime industry, minarapat ng ANGKLA na pag-usapan ang mga hinaing ng sektor sa isang makabuluhang dialogue kasama mismo ang pinuno ng Marina. Ito naman ay nagbunga ng mabilis na resolusyon.

Ang ANGKLA, MARINA, at ang maritime sector ay may iisang adhikain na mapagpatuloy ang pagiging pangunahing seafarer ng mga Pilipino saan man sa mundo, kaya’t ang lahat ay nanindigang ang Pilipinas ay dapat patuloy na makasunod sa International Standards ng STCW.

Inihain din ni Cong. Manalo kay Admin. Mejia ang isyu sa requirement ng Daily Journal at Training Record Book (TRB) na inirereklamo ng mga kadete. May isinumite na mungkahi sa Administration na baguhin at gamitin na rin lamang ang TRB bilang daily journal luxury replica rolex. Bilang tugon, nangako si Admin. Mejia na kanilang pag-aaralan ang mungkahing nabanggit habang sinisigurong ito ay magiging alinsunod pa rin sa STCW.

image (2)

Matapos ang mga usapin, binigyang diin ni Administrator Mejia ang kahalagahan ng pagkakaroon ng boses ng maritime sector sa Kongreso upang maiparating sa pamahalaan ang suliranin ng industriya. “Malaking tulong ang Angkla sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at aktibong pakikipagtulungan ng lahat ng sangay ng gobyerno sa industriya tungo sa paghahanap ng agarang solusyon sa mga problemang kinakaharap ng mga marino,” ani ng Administator.

“Bagama’t mahalaga ang pagsunod sa international standards, upang patuloy tayong maging pangunahing suplayer ng pinakamagagaling na global maritime professionals, dapat ring siguraduhin na hindi magiging mas mahirap sa dinidikta ng international standards ang mga pinapatupad na mga regulations dito sa ating bansa,” sabi ni Cong. Manalo.

Comments are closed.