ANGKLA Party-List, Nanawagan para sa Seguridad ng mga Marino Kontra-Piracy

ANGKLA Party-list, Nanawagan para sa Seguridad ng mga Marino Kontra-Piracy

(Setyembre 24, 2014)

Tinalakay ng ANGKLA Party-List ang kahalagahan ng pagkakaroon ng seguridad ng mga Pilipinong marino mula sa peligrong dulot ng piracy sa ginanap na 2nd Expanded ASEAN Seafarer Training Counter Piracy Workshop noong ika-24 ng Setyembre, 2014 sa  Solaire Grand Ballroom. Batid ang pagtaas ng insidente ng piracy sa mundo, tiniyak ni ANGKLA Party-List Cong. Jess Manalo ang patuloy na pagsusulong ng ANGKLA Party-list ng mga batas at programa na makatutugon sa suliraning ito nang sa gayon ay masiguro ang kaligtasan at empleyo ng ating mga marino.

Comments are closed.