ANGKLA Party-List, Nanguna sa Pagsusulong ng Pangangalaga ng Kalusugan ng mga Pilipinong Marino

10447565_10204474145403614_5483174222774473775_n

Ibinahagi ng ANGKLA Party-List, sa pangunguna ni Cong. Jess Manalo, ang adbokasiya nito na protektahan at pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipinong marino sa ginanap na symposium na “The Philippines at the Forefront of Maritime Medicine” na pinangunahan ng Maritime Clinics & Doctors Association of the Philippines, Inc. (MARCDOC) noong ika-8 ng Oktubre, 2014 sa Hyatt Regency Hotel. Binigyang-diin ni Cong. Manalo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng boses ng mga Pilipinong marino sa international maritime health industry at ang pagkakaroon ng mga designated medical doctor o advisor para sa ating mga marino.

Comments are closed.